Friday, October 22, 2010

Shaw Station Men's Room

Enrollment namin nang araw na yun. Dahil ginawa nang online napabilis ang processo ng aming enrollment. Di ko alam kung matutuwa ako o ewan, dahil na miss ko ang mga kwentuhan dati sa pagitan ng mahabang proseso at antayan. Nung natapos ako naglibot pa ako sa iskul, umaasa na may nakakwentuhan, isa pa marami na din ako namimiss at gusto makita. Pero na disappoint lang dahil lahat nakauwi na.

Tulad ng dati na tuwing ako ay walang magawa pumunta na lang ako sa Mega para lang mag lakad paraan ko ito ng pag-iisip sa mga bagay bagay. Wala naman akong ginawa sa Mega talagang naglakad lang ako gustuhin ko man mamili wala naman akong sariling pera na dala. Kaya umuwi na lang ako.

Ayokong ayoko mag bus sa EDSA, para lang makaiwas sa disgrasya marahil kaya MRT ang sinasakyan ko. Nung nasa istasyon na ako ng Shaw bigla akong naiihi. Di naman un ang una kong beses na na umihi sa istasyon ng Shaw, kaya alam ko na at mas alerto na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Pagpasok sa CR dumeretso na ako sa cubicle, first choice ihian dahil maarte ako. Ayaw kong umiihi sa urinal dahil ayaw kong tumitilamsik sa akin ang aking ihi. Pero sa kasamaang palad out of order ang cubicle. Para nang nilalamukos ang puson ko(o ano man ang katumbas nun sa lalaki). Kaya choosy pa ba ako.
Nang ako ay tumalikod papuntang urinal, nahalata ko na nakatingin sa akin si kuya, di ko kaidaran at masasabing may edad na.*isnob, deresto sa urinal*. Nang ako ay umiihi na sa ikalawang urinal inukupa nya ang nasa aking kanan. Tulad nga ng aking nasabi maarte ako, kaya di ko masyado nilalapit ang katawan ko sa urinal. Nakita ko na lang sa gilid ng aking paningin na may nakatingin  sa akin. Kung saang parte sa taas man o downstairs yun ang diko alam basta alam ko na merong nakatingin dahil nakadama ako ng uncomfortness. 

So tapos na, pinagpag ko na ang dapat mapagpag at tinago ko na ang mga dapat itago. Naghugas ako ng kamay at nanalamin.  Dumaan sa likod si kuya papalabas. Mula sa salamin tumigin sya sa akin. Di ko makakalimutan ang ganung mga titig alam mong may ibig sabihin at gustong iparating. Sa mga ganung mga sitwasyon na di naman na unang nangyari sa akin. Di ko pa rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Maasar ba ako at dapat mamahiya ng tao o palampasin na lang dahil sa aking pananaw ipakita ko man sa kanya kung ano man ung tinitingnan nya ay wala din namang mangyayri sa akin. Dapat ko din bang ikatuwa na may nakaka-appreciate sa aking muka and so....lumabas na ako. 

Nakita ko pa sya sa labas na nakatayo naramdaman ko na may sumusunod sa akin. Habang ako ay nasa escalator sumimple ako ng tingin sa likod ko, wala na si manong. Baka pa north bound sya.

Kung sino ka man na natapos sa pagbabasa wag mo sanang maisip na nagmamagwapo ako.








1 comment: