Sinimulan ko ang araw na ito sa pag-upo sa aming puting trono. Kaya naman na-inspire akong mag-blog tungkol sa mga experience ko sa mga banyong napuntahan ko na.
Sinanay ako ni mama na laging panatilihing malinis ang aming banyo kaya naman tuwing may bumibisita sa amin kulang na lang ay i-tour ko sila sa banyo namin makapagyabang lang na malinis ang banyo namin. Kung sana lahat ng banyo sa mundo ay kasing linis ng amin. Sigurado akong madaragdagan ang kasiyahan ng magkababarkada sa kanilang mga house hopping. Ang kaso hindi ganoon ang mga bagay-bagay.
Pamilyar ka din siguro sa karanasang ito, na minsan kang nawiwiwee habang bumibisita sa bahay ng kaklase mo. Ang tama sanang gawin, kung ikaw ang may-ari ng bahay ay sasamahan mo ang inyong bisita sa banyo at titingnan mo muna ang kalinisan ng banyo nyo atsaka mo sya patutuluyin. Nang minsan akong tinawag ng kalikasan, wala sa binanggit ko ang nangyari. Kaya sumunod na lang ako sa direksyon na tinuro sa akin ng kaklase ko.
Dahan dahan akong pumasok at kinapa ang switch ng ilaw. Click, lumiwanag. Ha! Surprise! Hindi ko naman inaasahan na magiging super linis ng banyo nila, dahil sa itsura palang ng sala nila ay magulo na. Pero di ko rin naman inaasahan na ganoon sila ka dugyot sa banyo to the point na may hindi na flush na tatlong layers ng jerbacks sa inodoro nila. Akala ko nagre-wrestling ang mga jerbs, patong patong. Ganun ba ang paraan nila ng pagtitipid ng tubig, isahang flush na lang. In fairness naman di ko kaagaad na pansin ang amoy ng jerbs nila. Minarapat ko na lang magpigil ng ihi kaysa sa mapilitan akong i-flush ang mga hugis talong na nasa harap ko.
Araw naman ng sabado noon ng mapagpasyahan naming magkakagrupo sa Computer class na gawin na ang project namin na ipapasa na sa Biyernes ng susunod na linggo. Tulad ng maraming estudyante pinili naming sumailalim sa pressure ng last minute preparation at di na gumawa noong araw na yun.
Maganda ang bahay ng kaklase ko na pinuntahan namin. Konting ayos na lang iisipin mong kumuha pa sila ng interior designer para ayusin ang mga kasangkapan nila sa bahay. Dahil dito hindi na ako nag-atubili magpaalam sa kanya mag banyo. Katulad ng kaklase ko sa unang kwento. Tinuro nya lang sa akin ang direksyon papuntang CR. Iniisip ko na confident sya na walang mapapansing kakaiba sa banyo nila kaya di nya na ako sinamahan.
Pagpasok ko sa banyo naramdaman ko ang dulas ng kanilang sahig, baka mga tira-tirang sabon na hindi nabuhusan ng maigi, sabi ko sa sarili ko. Mabilis ko namang nahanap ang switch. Click, kita ko agad ang inodoro, salamat at walang laman. Ganun pa man mabilis na tumawag sa pansin ko ang mga kulay green na bagay sa pader na nasa harap ko. Mahilig pala sa halaman ang pamilya nila at may greenhouse pa sila sa loob ng banyo. Kitang-kita ko ang ibat-ibang kulay ng lumot na nanunuot sa pagitan ng mga tiles ng pader at sahig nila at ang natapakan ko mga lumot din pala.
Promise kung pwede lang lumutang ang tao sa ere ginawa ko na sa sobrang diri. Tinaas ko na lang ang mga daliri ng paa ko hanggang sa ang mga buto na lang ng mga talampakan ko ang sumasayad sa sahig. Maasahan mo pa ba akong makaihi kung sa pagtayo pa lang ay hirap na hirap na ako.Siguro banyo ang parte ng bahay na minsan lang natin tinatambayan. Ngunit gaano man kahalaga ang kalinisan ng sala, kwarto, at kusina mas pa rapat doon ang banyo. Di ba mas masarap na sa paglalabas mo ng sama ng loob ay kumportable mo itong nagagawa.

sa banyo ako nagsososund trip at nagbabasa. ahhha
ReplyDelete