Saturday, October 30, 2010

Cosmetically Challenge For Long Panget For Short

Bago pa man ituro sa amin noong high school ang tungkol sa Euphemism alam ko na to, dahil ginagamit lagi ito ng kaibigan ko na taga kabilang section tuwing mag-uusap kami. Akala ko dati gawa gawa nya lang ang mga terminong vertically challenge, unpaid sex slave, at cosmetically different kaya hangang-hanga ako sa talino nya, pero ng kinulit ko na sya kung paano nya ba nabubuo ang mga salitang ganun pinakita nya sa akin ang clear book nya na may lamang sandamukal na picture ni Sam Concepcion at sa tabi nito ang listahan ng mga terminong binabanggit nya. Binasa ko ito at ang galing galing!

Hindi ako sigurado kung may pinag-kaiba ang euphemism at ang politically correct terms kasi mahaba ang explanation ng dalawang terminong ito sa wikipedia. Ikaw na sana ang bahalang mag research tungkol dito. Ganoon pa man malinaw ang pagkakaintindi ko na ang pinaka gamit ng dalawa ay para mapahina ang masamang impact ng mga salita sa pamamagitan ng di pag tumbok sa ibig nating sabihin. Halimbawa ang salitang iskwater/slum ay maari mong sabihing “Economic Oppression Zone”. Sa ganitong paraan mas naiiwasan mong makapagpahiya ng tao ng di inaasahan.

Bukod pa sa pagpapaganda sa pandinig ng mga salita naisip-isip ko din na meron pa itong dalawang gamit. Una, mapagmukhang matalino ang nagsasalita at may nilalaman ang sinasabi ng isang tao. Kung may kaaway ka at sinabihan mo sila ng “panget” sa malamang kung di ka nila sabunutan sasabihin nilang “gago mas panget ka.” Pero pag sinabi mo sa kanilang “aesthetically challenged ka” hinding hindi nila sasabihin sa iyong “gago mas aesthetically challenged ka!” dahil matitigilan sila para mag-isip at mahirap sabihin ang “aesthetically” ng bigla biglaan.

Pangalawa, para mag patawa.

Sa paghahanap ko sa internet ng mga politically
correct terms madami akong nakita sa bored.com
at ito ang iilan.

Abortion - Near-Life Experience
Bald - comb-free
Blind - visually challenged
Cheating - Academic Dishonesty
Computer Illiterate - Technologically Challenged
Dead - living impaired
Deaf - Visually Oriented
Fat - gravitationally challenged
Fat - People of Mass
Fat - person of substance
Gang - Youth Group
Garbage Man - sanitation engineer
Gas Station Attendent - petroleum transfer technician
Housewife - domestic engineer
Hunter - Animal Assassin
Hunter - Bambi Butcher
Ignorant - factually unencumbered
Janitor - sanitation engineer
Lazy - motivationally dispossessed
Loser - uniquely fortuned individual on an alternative career path
Not with somebody at the moment - romantically challenged
Perverted - Sexually dysfunctional
Poor - Economically Unprepared
Prostitute - sex care provider
Shoplifter - Cost-of-Living Adjustment Specialist
Stupid - intellectually impaired
Wife - unpaid sex slave
Worst - least best
Wrong - differently logical

Kaya sa susunod na sabihan ka ng your a “person of substance” mag-isipisip ka na kung pinupuri ka nila o dapat mo na silang daganan.

5 comments:

  1. tanggap ko na gravitationally challenged ako hahaha

    ReplyDelete
  2. wow Economically Unprepared ako hahahah
    visit lng sa pinoy blogger
    happy halloween
    have a great day

    ReplyDelete
  3. hehe!Nakakatawang pakinggan yung ibang terms diba?

    ReplyDelete
  4. living impaired ako.. maraming salamat! enjoy the blogosphere... bye2.. :)

    ReplyDelete