Bago pa man ituro sa amin noong high school ang tungkol sa Euphemism alam ko na to, dahil ginagamit lagi ito ng kaibigan ko na taga kabilang section tuwing mag-uusap kami. Akala ko dati gawa gawa nya lang ang mga terminong vertically challenge, unpaid sex slave, at cosmetically different kaya hangang-hanga ako sa talino nya, pero ng kinulit ko na sya kung paano nya ba nabubuo ang mga salitang ganun pinakita nya sa akin ang clear book nya na may lamang sandamukal na picture ni Sam Concepcion at sa tabi nito ang listahan ng mga terminong binabanggit nya. Binasa ko ito at ang galing galing!
Hindi ako sigurado kung may pinag-kaiba ang euphemism at ang politically correct terms kasi mahaba ang explanation ng dalawang terminong ito sa wikipedia. Ikaw na sana ang bahalang mag research tungkol dito. Ganoon pa man malinaw ang pagkakaintindi ko na ang pinaka gamit ng dalawa ay para mapahina ang masamang impact ng mga salita sa pamamagitan ng di pag tumbok sa ibig nating sabihin. Halimbawa ang salitang iskwater/slum ay maari mong sabihing “Economic Oppression Zone”. Sa ganitong paraan mas naiiwasan mong makapagpahiya ng tao ng di inaasahan.
Bukod pa sa pagpapaganda sa pandinig ng mga salita naisip-isip ko din na meron pa itong dalawang gamit. Una, mapagmukhang matalino ang nagsasalita at may nilalaman ang sinasabi ng isang tao. Kung may kaaway ka at sinabihan mo sila ng “panget” sa malamang kung di ka nila sabunutan sasabihin nilang “gago mas panget ka.” Pero pag sinabi mo sa kanilang “aesthetically challenged ka” hinding hindi nila sasabihin sa iyong “gago mas aesthetically challenged ka!” dahil matitigilan sila para mag-isip at mahirap sabihin ang “aesthetically” ng bigla biglaan.
Pangalawa, para mag patawa.
Sa paghahanap ko sa internet ng mga politically
correct terms madami akong nakita sa bored.com
at ito ang iilan.
Abortion - Near-Life Experience
Bald - comb-free
Blind - visually challenged
Cheating - Academic Dishonesty
Computer Illiterate - Technologically Challenged
Dead - living impaired
Deaf - Visually Oriented
Fat - gravitationally challenged
Fat - People of Mass
Fat - person of substance
Gang - Youth Group
Garbage Man - sanitation engineer
Gas Station Attendent - petroleum transfer technician
Housewife - domestic engineer
Hunter - Animal Assassin
Hunter - Bambi Butcher
Ignorant - factually unencumbered
Janitor - sanitation engineer
Lazy - motivationally dispossessed
Loser - uniquely fortuned individual on an alternative career path
Not with somebody at the moment - romantically challenged
Perverted - Sexually dysfunctional
Poor - Economically Unprepared
Prostitute - sex care provider
Shoplifter - Cost-of-Living Adjustment Specialist
Stupid - intellectually impaired
Wife - unpaid sex slave
Worst - least best
Wrong - differently logical
Kaya sa susunod na sabihan ka ng your a “person of substance” mag-isipisip ka na kung pinupuri ka nila o dapat mo na silang daganan.
Saturday, October 30, 2010
Wednesday, October 27, 2010
Monday, October 25, 2010
Friday, October 22, 2010
Shaw Station Men's Room
Enrollment namin nang araw na yun. Dahil ginawa nang online napabilis ang processo ng aming enrollment. Di ko alam kung matutuwa ako o ewan, dahil na miss ko ang mga kwentuhan dati sa pagitan ng mahabang proseso at antayan. Nung natapos ako naglibot pa ako sa iskul, umaasa na may nakakwentuhan, isa pa marami na din ako namimiss at gusto makita. Pero na disappoint lang dahil lahat nakauwi na.
Tulad ng dati na tuwing ako ay walang magawa pumunta na lang ako sa Mega para lang mag lakad paraan ko ito ng pag-iisip sa mga bagay bagay. Wala naman akong ginawa sa Mega talagang naglakad lang ako gustuhin ko man mamili wala naman akong sariling pera na dala. Kaya umuwi na lang ako.

Ayokong ayoko mag bus sa EDSA, para lang makaiwas sa disgrasya marahil kaya MRT ang sinasakyan ko. Nung nasa istasyon na ako ng Shaw bigla akong naiihi. Di naman un ang una kong beses na na umihi sa istasyon ng Shaw, kaya alam ko na at mas alerto na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Pagpasok sa CR dumeretso na ako sa cubicle, first choice ihian dahil maarte ako. Ayaw kong umiihi sa urinal dahil ayaw kong tumitilamsik sa akin ang aking ihi. Pero sa kasamaang palad out of order ang cubicle. Para nang nilalamukos ang puson ko(o ano man ang katumbas nun sa lalaki). Kaya choosy pa ba ako.
Nang ako ay tumalikod papuntang urinal, nahalata ko na nakatingin sa akin si kuya, di ko kaidaran at masasabing may edad na.*isnob, deresto sa urinal*. Nang ako ay umiihi na sa ikalawang urinal inukupa nya ang nasa aking kanan. Tulad nga ng aking nasabi maarte ako, kaya di ko masyado nilalapit ang katawan ko sa urinal. Nakita ko na lang sa gilid ng aking paningin na may nakatingin sa akin. Kung saang parte sa taas man o downstairs yun ang diko alam basta alam ko na merong nakatingin dahil nakadama ako ng uncomfortness.
So tapos na, pinagpag ko na ang dapat mapagpag at tinago ko na ang mga dapat itago. Naghugas ako ng kamay at nanalamin. Dumaan sa likod si kuya papalabas. Mula sa salamin tumigin sya sa akin. Di ko makakalimutan ang ganung mga titig alam mong may ibig sabihin at gustong iparating. Sa mga ganung mga sitwasyon na di naman na unang nangyari sa akin. Di ko pa rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Maasar ba ako at dapat mamahiya ng tao o palampasin na lang dahil sa aking pananaw ipakita ko man sa kanya kung ano man ung tinitingnan nya ay wala din namang mangyayri sa akin. Dapat ko din bang ikatuwa na may nakaka-appreciate sa aking muka and so....lumabas na ako.
Nakita ko pa sya sa labas na nakatayo naramdaman ko na may sumusunod sa akin. Habang ako ay nasa escalator sumimple ako ng tingin sa likod ko, wala na si manong. Baka pa north bound sya.
Kung sino ka man na natapos sa pagbabasa wag mo sanang maisip na nagmamagwapo ako.
Wednesday, October 20, 2010
CR Talk
Sinimulan ko ang araw na ito sa pag-upo sa aming puting trono. Kaya naman na-inspire akong mag-blog tungkol sa mga experience ko sa mga banyong napuntahan ko na.
Sinanay ako ni mama na laging panatilihing malinis ang aming banyo kaya naman tuwing may bumibisita sa amin kulang na lang ay i-tour ko sila sa banyo namin makapagyabang lang na malinis ang banyo namin. Kung sana lahat ng banyo sa mundo ay kasing linis ng amin. Sigurado akong madaragdagan ang kasiyahan ng magkababarkada sa kanilang mga house hopping. Ang kaso hindi ganoon ang mga bagay-bagay.
Pamilyar ka din siguro sa karanasang ito, na minsan kang nawiwiwee habang bumibisita sa bahay ng kaklase mo. Ang tama sanang gawin, kung ikaw ang may-ari ng bahay ay sasamahan mo ang inyong bisita sa banyo at titingnan mo muna ang kalinisan ng banyo nyo atsaka mo sya patutuluyin. Nang minsan akong tinawag ng kalikasan, wala sa binanggit ko ang nangyari. Kaya sumunod na lang ako sa direksyon na tinuro sa akin ng kaklase ko.
Dahan dahan akong pumasok at kinapa ang switch ng ilaw. Click, lumiwanag. Ha! Surprise! Hindi ko naman inaasahan na magiging super linis ng banyo nila, dahil sa itsura palang ng sala nila ay magulo na. Pero di ko rin naman inaasahan na ganoon sila ka dugyot sa banyo to the point na may hindi na flush na tatlong layers ng jerbacks sa inodoro nila. Akala ko nagre-wrestling ang mga jerbs, patong patong. Ganun ba ang paraan nila ng pagtitipid ng tubig, isahang flush na lang. In fairness naman di ko kaagaad na pansin ang amoy ng jerbs nila. Minarapat ko na lang magpigil ng ihi kaysa sa mapilitan akong i-flush ang mga hugis talong na nasa harap ko.
Araw naman ng sabado noon ng mapagpasyahan naming magkakagrupo sa Computer class na gawin na ang project namin na ipapasa na sa Biyernes ng susunod na linggo. Tulad ng maraming estudyante pinili naming sumailalim sa pressure ng last minute preparation at di na gumawa noong araw na yun.
Maganda ang bahay ng kaklase ko na pinuntahan namin. Konting ayos na lang iisipin mong kumuha pa sila ng interior designer para ayusin ang mga kasangkapan nila sa bahay. Dahil dito hindi na ako nag-atubili magpaalam sa kanya mag banyo. Katulad ng kaklase ko sa unang kwento. Tinuro nya lang sa akin ang direksyon papuntang CR. Iniisip ko na confident sya na walang mapapansing kakaiba sa banyo nila kaya di nya na ako sinamahan.
Pagpasok ko sa banyo naramdaman ko ang dulas ng kanilang sahig, baka mga tira-tirang sabon na hindi nabuhusan ng maigi, sabi ko sa sarili ko. Mabilis ko namang nahanap ang switch. Click, kita ko agad ang inodoro, salamat at walang laman. Ganun pa man mabilis na tumawag sa pansin ko ang mga kulay green na bagay sa pader na nasa harap ko. Mahilig pala sa halaman ang pamilya nila at may greenhouse pa sila sa loob ng banyo. Kitang-kita ko ang ibat-ibang kulay ng lumot na nanunuot sa pagitan ng mga tiles ng pader at sahig nila at ang natapakan ko mga lumot din pala.
Promise kung pwede lang lumutang ang tao sa ere ginawa ko na sa sobrang diri. Tinaas ko na lang ang mga daliri ng paa ko hanggang sa ang mga buto na lang ng mga talampakan ko ang sumasayad sa sahig. Maasahan mo pa ba akong makaihi kung sa pagtayo pa lang ay hirap na hirap na ako.Siguro banyo ang parte ng bahay na minsan lang natin tinatambayan. Ngunit gaano man kahalaga ang kalinisan ng sala, kwarto, at kusina mas pa rapat doon ang banyo. Di ba mas masarap na sa paglalabas mo ng sama ng loob ay kumportable mo itong nagagawa.

Tuesday, October 19, 2010
Monday, October 18, 2010
Greg Heffley
Sem break na! Oras na para mag unwine at magpahinga from long and stressful times. Hindi naman ako pala gala na tao. Kahit pa hilig ko ang maglakad sa mega, ginagawa ko lang naman yun para makapag isip-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya naman taong bahay lang talaga ako at ang tangi kong paraan ng pagrerelax ay sa pamamagitan lamang ng panunuod ng pelikula.
Ilang Linggo na din ang lumipas ng huli akong makarating sa Quiapo dahil nga sa thesis na aking ginagawa. Kaya naman sa unang Linggo ng bakasyon e naparami ang pagbili ko ng mga cd. Marami na pala ang mga naka DVD copies na pelikula. Dati ko nang nakita ang "Diary of a Wimpy Kid" pero di ko to pinapansin. Naisipan ko na lang tong bilhin dahil sa nabanggit ng aking kaibigan tungkol dito, maganda daw kasi.
Di tulad ng bida madali naman akong nakakabagay sa mga tao sa paligid ko at di naman ako tampulan ng katatawanan. Kung susundin din ang popularity meter sa pelikula na 1-200 (200 as the least popular), masasabi ko naman na nasa mga bandang 90 ako. Masaya na ako sa 90 di masyado pansinin at ninanais pa rin samahan ng mga tao. Kahit kailan naman di ko gusto ang laging napapansin kahit parang ang pagkakataon na ang nagtutulak sa akin sa tingin ko mas maganda pa rin ang payak at simpleng pamumuhay.

Pero kung may isa man akong kinaiingitan kay Greg Heffley un na siguro ang pagkakaroon nya ng Rowley Jefferson. Meron syang bestfriend na pwede nyang makasama sa paglaki, paglabasan nya ng sama ng loob at kaya nyang sandalan at nandyan para sya ay ipagtanggol. Hindi pa rin naman malinaw sa akin ang idea ng pagkakaroon bestfriend at paano nagkakroon nito. Siguro ang problema sa akin ay takot akong mag magpuhunan ng pagmamahal sa tao....ewan ko, nagawa ko na un minsan nung high schoolat nabigo lang ako walang nangyari I felt that I was just dumped. First time sa buhay ko na nadama ko na ako ay unappreciated. Though there were certain factors before that i think have caused what happened kahit na masakit pa rin, para pa rin akong sinampal ng isang malaking rejected sign sa pagmumuka.
But if you are thinking na kawaawa ako di naman di naman ako ung tipo ng tao na umiiyak dahil sa mga ganung bagay. Kahit masakit I am just taking it lightly although sometimes nararamdaman ko na kailangan ko itong ikwento sa iba.
Subscribe to:
Posts (Atom)