Monday, November 29, 2010

11-16-42-47-31-37

Sila ang anim na numero na nakapagpabago sa buhay ng isa nating kababayan. Ibig saihin meron nang isang totoong Pepito Manaloto. Grabe un ang tinatawag na swerte. Biruin mo sa dami ng tao sa Pilipinas na nagdadasal at tumataya sa lotto ikaw ang pinagpala. Sa mahigit 28 milyon na posibleng kumbinasyon ung mga numero mo ang nakuha. Grabe kahit di ako ung nanalo affected pa rin ako sa sa emosyong pwede mong madama sa puntong malaman mo na ikaw na ang nanalo.

Pano kaya kung ako yun baka di ko kayanin lahat ng bagay na papasok sa isip ko at di ko pa magamit ang 700 milyon pesos dahil baka unahan ako ng nerbyos. Kasi naman ang 700 milyon ay nangangahulugang di ko na kailangang intindihin ang kinabukasan ng buhay ko hanggang sa apo ko dahil siguradong secured na ako. Kung gugustuhin at di dapat gawin ay di ko na kailangang mag-aral, maghirap, pwede ko na bilhin lahat ng bagay na gusto ko at pwede ko na regaluhan lahat ng mga kaibigan ko.

Justine: Anong gusto mo?
Kaibigan: Laptop
Justine: OK, granted.
Kaibigan: ^.^

Di ba ang saya!, di ko na rin kailangang maawa at makunsensya sa mga pulubi na nakikita ko sa daan at sumasabit sa jeep, kasi kaya ko nang tumulong sa mga ampunan, ospital at simbahan. Masaya dahil mas kukonti ang taong magugutom kasi may kakayahan na akong tumulong.

Makakapunta na rin ako sa London at  makikita ang platform 9 3/4 na matagal ko nang pinapangarap. Makakapasyal na ako sa mga daan ng Switzerland. Makakapamangka sa Netherlands. Makaka fly to Seoul na ako at mabibisita ang mga kamag-anak sa Japan.

Pwede ko na din masunod ang pangarap ko makabili ng kamera, at maging photographer. Grabe ang daming pumapasok sa isip ko at nag iimagine lang ako ha at di pa ako ang mismong nanalo sa lagay na to.

Pero kung sino man ung taong nanalo sana di ka magbago sana maging ligtas ka at wag mapraning. Naalala ko tuloy nung tinanong kami ng teacher ko nung highschool sabi nya "Naniniwala ba kayo na Money is the root of all evil". Lahat nag taas ng kamay pwera ang isang bata. Ako un. Dahil naniniwala ako na ang pera walang buhay kaya dapat wag nating ilipat ang bintang sa kanya. Nasa ating mga tao ang kakayahan at kaisipan kung papaano natin ito gagamitin. Para sa nanalo sana un ang tandaan mo.

Pwede mo din akong mabalatuan sana, salamat.

bieberlake.blogspot.com

Trip la magawa sa buhay!